Nagbabala ngayon ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC sa mga naliligo sa dagat na iwasan ang mabiktima ng jellyfish sting o dikya.

Kasabay na rin ito ng nalalapit na selebrasyon ng Semana Santa.

Ayon kay PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas inaasahan na umano ng kanilang tanggapan ang posibleng pagdagsa ng mga beachgoers dito sa lalawigan kung saan karamihan ay mga bakasyunista.

--Ads--

Kasabay nito ay ang paalala din ng kanilang tanggapan sa posibilidad na mabiktima ng jellyfish sting na kung hindi aniya agad maagapan ay maaring humantong sa kamatayan.

Payo nito sa mga naliligo sa dagat na iwasan ang pumunta sa malalim na bahagi dahil doon mas maraming mga jellyfish sting o dikya. with report from Bombo Lyme Perez