Maituturing na umanong nakakaalarma ang paulit-ulit na pagkasangkot ng hanay ng pulisya sa mga nagaganap na krimen dito sa bansa.

Ayon kay Atty. Lacsa-Suarez General Secretary ng Grupong Kilusan at Kaisa Ka na sa panahon ngayon, hirap na umanong kilatisin kung tunay pa nga bang kakampi ang mga unipormadong pulis.

Pagbibigay diin pa ng opisyal, sa halip na lapitan agad ng publiko ang mga ito, ay naroon na umano ang pangamba na baka mabiktima lang ang mga ito ng maling gawain ng ilang kapulisan.

--Ads--

Giit pa nito, hindi masisisi ang mamayang Pilipino kung mawala man ang tiwala nito sa kapulisan lalo na’t ilang insidente na ang nagpapatunay na ang mga ito ay nasasangkot sa maling operasyon maging sa iligal na aktibidad.


Atty. Lacsa-Suarez, General Secretary ng Grupong Kilusan at Kaisa Ka

Kung hindi aniya ito masosolusyunan sa lalong madaling panahon, ay tiyak na magpapatuloy ang karahasan sa bansa at ang mga tinaguriang ‘enforcers’ o tagapagtanggol ay mawawalan na ng silbi o saysay.