Higit na mas gusto nating maentertain kaysa maenglighten lalo na sa kaguluhan sa politika.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco isang political analyst imbes na maliwanagan tayo sa kung paano masosolusyunan ng mga kandidato ang problema sa bansa ay mas nagiging sentro ng kanilang mga kampanya ang patutsada sa isa’t isa.
Aniya na dapat ay mas mapag-usapan ang plano at adbokasiya ng mga ito upang ating malaman ang totoong mga sagot sa mga problema sa bansa na kailangan ng konkretong solusyon.
Marahil ay talamak parin ang political dynasty sa Pilipinas aniya ay may mga politiko na talagang plakado o praktisado ang kanilang kasagutan hindi katulad ng mga hindi miyembro ng dynasty na talagang nanggagaling sa kanilang kalooban ang kanilang mga kasagutan.
Sila ay may sariling paghahanda kaya’t mainam na sila ay busisihin upang makilala at mabigyan ng pagkakataon.