DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo, mala true-to-life mula mga teleserye at action movies na napapanood natin ang kakaibang nangyari sa Amerika!

Aba, ang isang Pastor lang naman na may MMA training ay nagpatumba ng isang magnanakaw na may sandata.

Mala action star ang datingan!

--Ads--

Isang pastor kasi na may training sa Brazilian jiu-jitsu ang naging hindi inaasahang hadlang sa isang magnanakaw na armado.

Si Pastor Nick Neves ng First Family Church sa Antioch, California, ay nagbigay ng matinding laban sa isang nagnanakaw na pumasok sa kanilang simbahan noong Araw ng Pasasalamat.

Isang security alarm ang nag-abiso kay Pastor Neves, kaya’t agad siyang dumating sa simbahan at tingnan.

Doon ay sinalubong siya ng isang lalaki na may hawak na pang-aks at sumira ng bintana ng simbahan.

Hindi nagpatinag si Neves, at kahit armado ang magnanakaw, tumayo siya sa kanyang pwesto at nagsimula silang maglaban.

Ang nakatagilid na magnanakaw, na hindi pa pinapangalanan, ay nakipagbuno kay Neves sa loob ng 12 hanggang 15 minuto bago mawalan ng lakas.

Habang nagsasagawa ng grappling, pinigilan ni Neves ang magnanakaw at nang dumating ang pulisya, agad nilang nahuli ang suspek.

Ayon kay Pastor Neves, nagkaroon siya ng mixed martial arts (MMA) training sa jujitsu at kickboxing, hindi upang makasakit at self defense lamang umano ito.

Nagpahanga naman ito sa marami at pinusuan so social media ang pangyayari.