Ramdam na ang pasko sa bansang Greece kung saan unang linggo palang ng buwan ng disyembre ay may mga christmas decors na doon.
Ayon kay Sherwin Galagate – Bombo International News Correspondent sa bansang Greece bagama’t ay winter season na roon kaya’t hindi na gaanong lumalabas ang mga tao ramdam ang pasko.
Ang kaibahan lamang doon ay hindi sila nagsisimbang gabi at ang kadalasang ihihahandang pagkain doon kapag pasko ay turkey, lechon at hamonada.
Kunteto na rin sila basta’t salo-salo ang pamilya at matapos ang selebrasyon ay kadalasan silang nagtutungo sa mga bar o club para magsaya.
Samantala, sa mga filipino community naman doon ay sinusunod kung paano ang selebrasyon sa bansa at kung minsan ay sama-sama silang nagtitipon tuwing linggo.
Pagbabahagi naman nito sa nalalapit na pasko na mahalaga ang buo ang pamilya at sama-samang magselebra.