Maaari pang umabot sa typhoon category ang bagyong nasa silangan ng Pilipinas. Sa ngayon, isa pa lamang itong tropical depression at nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ang nasabing bagyo sa layong 1,735 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso hanggang 70 kilometro kada oras, habang kumikilos sa direksyong west northwestward sa bilis na 35 kilometro kada oras.

--Ads--

Bagama’t wala pang direktang epekto sa bansa, patuloy na binabantayan ng mga eksperto ang naturang sistema upang matukoy ang posibleng maapektuhan.

Kung papasok ito sa PAR, bibigyan ito ng lokal na pangalan na Francisco, na siyang ika-anim na sama ng panahon ngayong 2026.