Panunupil at pangingikil ang madalas maranasan ngayon ng karamihan kung pag-uusapan ang totoong diwa ng karapatang pantao.

Ngayong araw ng Huwebes, Dec. 10 ang itinakdang araw upang gunitain ang International Human Rights Day ngunit ayon kay Atty. Virginia Lacsa-Suarez, Secretary General ng grupong Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya, hindi pa din talaga nakakamit ng sambayanang Pilipino ang tunay nitong kahulugan.

Sinabi nito na napakaraming violations ng karapatang pantao gaya na lamang ng matinding pag-atake sa mga human rights defenders.

--Ads--

Nariyan din ang pagbabansag kaagad sayo bilang isang komunista at narered-tag.

Lahat ng mga ito ay paraan aniya para patahimikin ang taombayan.

Giit ni Suarez na kapag ang isang tao ay napipigilan na magpahayag ng kaniyang saloobin, naaapektuhan ang lahat ng demokratikong karapatan.

Atty. Virginia Lacsa-Suarez

Ang pananakot ayon pa kay Suarez lalo na’t laging naka amba ang Anti Terror Law, ay nangangahulugan lamang na ito’y paraan upang gawing inutil ang taombayan ngunit sa kabila ng matinding pananakot ay kinakailangan pa din nating magsalita.