Inihayag ni 4th district congressman Christopher Toff de Venecia, na isinasapinal na sa kongreso katuwang ang ibang kongresista sa lalawigan ng Pangasinan ang panukalang pagtatayo ng Pangasinan River control system bunsod ng nararasang pagbaha dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay de Venecia, base sa kanilang pagsasaliksik , hindi isolated ang baha sa  ikaapat na distrito dahil nangyayari rin sa ibang distrito.

Ipinaliwanag nito na  inter connected ang mga ilog sa lalawigan at nagsisilbing catch basin ang Pangasinan kaya bumabaha.

--Ads--

Sinabi ng kongresista na lumapit na rin  siya sa NEDA at DPWH para magsagawa ng isang comprehensive study sa flooding situations sa lalawigan.

Gayunman, iginiit ng opisyal na kailangan ang mga eksperto at scientist para matugunan ang  problema sa  baha dito sa probinsya.