Asahan ang panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na sa pagtaya sa nagdaang apat na araw na magkakaroon ng hanggang P0.95 na pagtaas ang kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay maglalaro ng hanggang P0.10 na pagtaas sa kada litro at ang kerosene ay may pagtaas ng hanggang P0.25.

--Ads--

Isa sa mga dahilan na nakita ng DOE sa pagtaas ay ang nararanasang geopolitical tensiyon sa Iran.

Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano nag taas presyo na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.