Nasawi ang hindi bababa sa 23 katao sa Gaza Strip dahil sa panibagong pagpapasabog ng Israeli Forces kahapon.

Ayon sa mga Palestino na ang panibagong aerial at ground offensive operation ng Israel at ang forced evacuations ay upang makagawa ng buffer zones sa dalawang bayan sa North Gaza.

Subalit, itinanggi naman ito ng Israel at anila, ang mga militanteng Hamas ang naglunsad ng mga pag-atake.

--Ads--

Samantala, hindi naman bababa sa 13 Palestino ang nasawi sa magkahiwalay na pag-atake sa mga kabahayan sa Beit Lahiya at Jabalia.

Wala pang inilalabas na komento ang Israel sa nasabing pag-atake.