Agad na nagpalabas ng paalala ang Philippine Consulate General in Hong Kong sa mga Pinoy na nasa naturang bansa na pairalin ang ibayong pag-iingat.
Ito’y matapos na makatanggap ng ulat ang Konsulada ng impormasyon na mayroong panibagong malawakang kilos-protesta ang isasagawa bukas, Oktubre 1, 2019 sa mga sumusunod na lugar:
Tamar Park, Admiralty
Causeway Bay hanggang Central
Wong Tai Sin, Sham Shui Po, Mongkok
Sha Tin, Tuen Mun at Tsuen Wan
Dahil dito ay pinapayuhan ng Konsulada ang lahat ng mga Filipino doon na iwasan ang pagtungo sa mga lugar kung saan isasagawa ang mga demonstrasyon at kung maaari ay manatili nalamang sa kanilang tinitirahan gayundin ang pag-iwas sa pagsusuot ng kulay itim o puting pang-itaas na damit na madalas ginagamit ng mga raliyesta.