Nakarating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos para sa kaniyang 2-day working visit, kabilang na rito ang pagdalo sa isang special session ng Special session ng United Nations General Assembly.
Dakong 2:49 ng hapon ng linggo, oras sa New York, nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ng pangulo.
Umaga sa Manila nang lumipad si Pangulong Marcos.
--Ads--
Samantala, inaasahan ng pangulo na manawagan sa mga partido sa sigalot sa Middle East na magpakita ng pagpipigil at paggalang sa International Law, gayundin sa UN Charter.
Bukod riyan, makikipagpulong din si Marcos kay UN Secretary-General Antonio Guterres at makikilahok din sa pagbubukas ng ika-70 session ng UN Commission on the Status of Women.










