Nagsagawa ng rally ang Pangisda Pilipinas kasabay sa naging paggunita ng Araw ng mga Mangingisda.

Ayon kay Pablo Rosales, President ng nasabing grupo malalim ang mga hamong kinakaharap ng mga mangingisda subalit mas malalim ang suporta ng sambayanang Pilipino at iba’t ibang organisasyon.

Aniya na panawagan nila ang makatarungan na pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema na payagan ang mga komersyal na bangkang pangisda sa loob ng 15-kilometrong municipal waters—isang lugar na malinaw na nakalaan para sa maliliit na mangingisda ayon sa Fisheries Code ng Pilipinas.

--Ads--

Ang hakbanging ito ay seryosong banta sa kabuhayan ng mga pamayanang baybayin at sa pangangalaga sa yamang-dagat.

Kung kaya’t nanawagan ito sa pamahalaan partikular na kay Pangulong Marcos na ipahinto ang nasabing reklamasyon dahil nasa kamay niya ang kapangyarihan para protektahan ang kalikasan at pangisdaan.

Bukod dito ayaon pa sakanya, maraming komunidad ng mangingisda ang napaalis at nasira ang likas na yaman ng karagatan dahil sa mga proyektong ito.

Umaasa naman siya na agad na matugunan ng pamahalaan ang kanilang panawagan.