DAGUPAN, CITY— Positibo si Pangasinan Vice Governor Mark Lambino na maipapasa sa lalawigan ang iminungkahi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na Freedom of Information ordinance na bahagi ng kanyang kampanya noong bumisita ito sa probinsya noong PCOO Roadshow na ginanap sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Lambino, nadinig na ng Committee on Information at ito ay pinag-aaralan na ng nabanggit na komite.
Aniya, hinihintay na lamang umano ang resulta ng pasya ng Committee on Information upang ito ay tumungo sa 2nd at 3rd reading.
Sa pamamagitan ng naturang ordinansa, pantay na magagamit ng mga ordinaryong mga mamamayan ang mga mahahalagang impormasyon mula sa mga websites at tanggapan ng gobyerno, at hindi na lamang ang mga indibidwal na may mga kakilala sa gobyerno ang unang makakaaccess ng mga karampatang impormasyon gaya na lamang ng mga iba’t ibang katanungan gaya na lamang ng mga job vaccancies, takdang araw ng pay-out sa mga ayuda at iba pang mga hindi konpedensyal na mga impormasyon mula sa mga tanggapan o ahensiya sa pamahalaan.
Matatandaang ang bayan pa lamang ng San Fabian ang nakapag-apruba ng FOI sa buong lalawigan. (Bombo Framy Sabado)