Dagupan City – Nakapagtala ng pagtaas Pangasinan Provincial Health Office na pagtaas ng kaso ng dengue.
Ayon kay Dr. Ana De Guzman, Provincial health officer, mas mataas kasi ang naitala ngayong taong 2024 na umabot sa 2,816 dengue cases at 17 naman ang nasawi kung ikukumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 1,421 dengue cases at 14 naman ang nasawi.
Kung saan kinabibilangan ito ng mga bayan ng Lingayen, Bayambang, Basista, Anda, Bolinao, lungsod ng Alaminos, at bayan ng Urbiztondo.
Nakakaalarma aniya ang pagtaas ng kaso sa Urbiztondo dahil 3 na ang nitalang nasawi rito dahil sa sakit kung kaya’t patuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga health workers sa bayan.
Isa naman sa nakikitang dahilan ay ang mga naiipong tubig ulan sa mga gulong, plastic na siyang pinamumugaran at pinangingitlogan ng mga lamok.
Panawagan naman ni De Guzman sa mga barangay na mas paigtingin ang paglilinis sa kanilang lugar at paigitngin pa ang pagpapatupad ng 4S kontra dengue na ang ibig sabihin ay:
-Support fogging/spraying only in hotspot areas where an increase in dengue cases is recorded
-Search and Destroy breeding sites
-Self-protection measures such as wearing long sleeves and using insect repellents
-Seeking early consultation for fever lasting more than two days