Ikinatuwa ng PNP Pangasinan, na wala paring naitatalang anumang mga krimen na may kaugnayan sa kakatapos na 2019 midterm elections.

Ito ang nabatid kay Police Capt. Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan matapos lumabas ang ilang impormasyon na gumaganti na ngayon ang mga nanalong pulitiko sa kanilang mga nakatunggali.

Aniya, simula ng matapos ang eleksyon, ay nanatiling tahimik ang buong probinsya bagamat umaasa ito na magpapatuloy ang ganitong situwasyon.

--Ads--

Sa kabila nito inihayag naman ni Tacderan na nananatiling naka-full alert ang kanilang hanay lalo at hindi pa tapos ang election period.

Dagdag pa ni Tacderan, patuloy paring mahigpit na binabantayan ang mga lugar sa lalawigan na una ng isinailalim sa Areas of Concern dahil sa pulitika.