All systems go na ang kapulisan sa Pangasinan sa darating na May 13 midterm election.

Ayon kay Pol. Col. Wilson Joseph Lopez, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, nakahanda na ang lahat ng kanilang security operations .

Dumating na umano ang augmentation mula sa Police Regional Office 1 at Armed Forces of the Philippines,

--Ads--

Nakadeploy na ang nasa 500 personnel na galing sa PRO 1 at ang mga kasapi ng AFP.

Nabatid na apat na lugar sa Pangasinan ang nasa orange category na kinabibilangan ng Alaminos City, bayan ng Sual, Urbiztondo at Santo Tomas.

Nangangahulugan na magkakaroon ng immediare securiy concerned at magdadagdag ng karagdagang pwersa sa mga nabanggit na lugar para matiyak ang magiging mapayapa at maayos na halalan.