DAGUPAN CITY – Patuloy ang monitoring ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council dito sa lalawigan lalo na sa bayan ng Calasiao at Sta. Barbara.

Ito ay sa kabila ng paglakas ng bagyong Julian at ang patuloy na mga pag-ulan.

Ayon kay Patrick Aquino, Incident Management Team Head – PDRRMO Pangasinan sa kasalukuyan ay wala pang naipaulat na insidente ng bagyo ngunit asahan parin ang mga pag-ulan hanggang bukas.

--Ads--

Kaugnay nito ay nakahanda at nakaagapay naman ang PNP, LDRRMO, Coastguard, Philippine Navy at ang iba pang mga ahensiya.

Dagdag naman nito na ang pagsuspende ng mga klase sa mga eskwelahan sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ay nakadepende sa lakas ng ulan na nararanasan at ito ay nasa pamunuan na.

Paalala naman ni Aquino sa publiko na kung wala namang importanteng gagawin sa labas ay manatili na lamang sa loob ng bahay at kung lalabas man ay magdala ng panangga panlaban sa ulan at ugaliing mag-ingat.