Nagsimula na sa pag-iikot ikot sa mga baybayin at mga coastal areas ang Pangasinan PDRRMO kung saan bahagyang tumaas ang bilang ng mga turista ngayong darating na bagong taon.

Ayon kay Vincent Chiu Operations Supervisor, Pangasinan PDRRMO inaasahan na dadami pa ang bibisita sa lalawigan kaya’t sinisiguro nilang nakaantabay sa pagmomonitor at pagbabantay sa mga tourist destination sa probinsiya.

Sa kasalukuyan wala namang drowning incident na namonitor maliban lamang sa bayan ng San fabian.

--Ads--

Bagamat ay walang naitatalang gale warning subalit matataas ang alon kaya’t paalala nito na huwag munang maligo para sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, patuloy naman ang kanilang koordinasyon sa iba’t iba nilang counterpart upang bantayan ang mga lugar na matataas ang kaso ng vehicular incidents lalo na ngayong pagselebra ng bagong taon.

Paalala pa nito na upang maging ligtas sa pagsalubong ng nasabing selebrasyon aniya ay wag magpapaputok ng mga ipinagbabawal at sa mga bibisita naman sa mga tourist area sa lalawigan na panatilihing malinis ang mga ito.