Nananatiling generally peaceful ang buong lalawigan ng Pangasinan dahil sa ginagawang maigting na anti-criminality campaign ng Pangasinan PNP.
Sa isinagawang joint meeting, inihayag ni Acting Provincial Director Redrico Atienza Maranan na bumaba ang index crimes sa probinsiya mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Maranan, 21.90% ang ibinaba ng index crime na naitala nila ngayong taon kung ikukumpara noong 2018 kung saan 1,137 ang reported index crimes habang 888 lamang sa kasalukuyan.
Aniya, dahil ito sa mga accomplishment ng Pangasinan Police Provincial Office kontra sa loose firearms at pagsugpo sa iligal na droga sa pamamagitan ng kanilang mga implimentasyon ng search warrants at police operations.
Mababatid na mula July 1, 2016 hanggang Hunyo ngayong taon, nasa 3, 157 na operasyon na ang nagawa ng Pangasinan PNP kung saan 3, 390 na drug pusher ang naaresto at 20, 459 naman ang sumuko sa pulis.
Sa nabanggit na bilang ng mga sumuko, nasa 17, 473 dito ang sumailalim na sa recovery at wellness program.
Samantala, nananatili ring insurgency-free ang buong probinsiya ng Pangasinan dahil sa nararanasang kapayapaan at walang presensya ng kahit anong grupo na makapanggugulo rito. information from Provincial Information Office
Nasa 80.72% o 1, 026 na barangays ang naideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na drug cleared mula sa total na 1, 271 drug affected na barangay sa lalawigan.