Tila nabuhayan ngayon ang lalawigan ng Pangasinan, matapos na makapagtala na ng apat na nakarecover mula sa nakamamatay na sakit na Coronavirus Infectious Disease o COVID-19.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, napag-alaman mula kay Provincial Health Office (PHO) Chief Dra. Ana Marie De Guzman, na ang apat na COVID-19 survivor ay kinabibilangan ng isang 54 anyos na babaeng nurse sa bayan ng Malasique na mayroong exposure sa namatay na COVID positive doctor sa bayan ng Bayambang; isang 58 anyos na lalaking Fil-Am mula sa bayan ng Pozorrubio; isang 75 anyos na lola mula sa bayan ng Bayambang at isang 70 anyos na lolo mula sa bayan ng Rosales.

Dra. Anna Marie De Guzman

Samantala, sa kabila nito ay muling pinaalalahanan ni Dra. De Guzman ang mga survivor na sunding mabuti ang mga payo sa kanila lalo na ang pag-inom ng mga ibinigay na gamot at tagubilin sa kanila.

--Ads--