Dagupan City –Tiniyak ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III na walang ‘ghost project’ sa mga flood control program ng lalawigan.
Ayon sa gobernador, maipagmamalaki ng Pangasinan ang mga flood control projects dahil maayos ang implementasyon at lahat ng ito ay aktwal na ipinatutupad.
Nilinaw rin niya na ang mga naturang proyekto ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Bilang isa sa mga pangunahing hakbang upang maibsan ang pagbaha sa probinsiya, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang 10 years project sa pamamagitan ng dredging at desilting ng mga pangunahing ilog ng pribadong kumpanya na walang gastos ang Kapitolyo.
Bahagi ito ng itatatag na Flood Management Department na mangangasiwa ng pangmatagalang proyekto.
Magsisimula ang proyekto sa Limahong Channel sa Lingayen at Nayum River sa bayan ng Infanta.
Tiniyak ng gobernador na magiging mahigpit ang pagbabantay sa mga aktibidad ng desilting upang maiwasan ang labis na paghuhukay o overdredging.
Kabilang din sa proyekto ang inland dredging, pamamahala sa solid waste, pagtatanim ng mga puno sa mga pampang ng ilog, at suporta sa mga cleanup drive ng mga lokal na pamahalaan.