Dagupan City – Tiniyak ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III na mananatiling pangunahing prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang kalusugan, edukasyon, turismo at imprastraktura para sa taong 2026.
Sa ginanap na Christmas lighting sa Kapitolyo, ibinahagi ng gobernador na ang kanyang hiling ngayong Pasko ay ang kaligtasan ng bawat Pangasinense, lalo na ang pagigig handa sa pananalasa ng malalakas na bagyo.
Ayon kay Guico, mas paiigtingin pa ng provincial government ang mga programa sa health care, edukasyon, at ang pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga residente.
Inaasahan din aniya na dadami pa ang medical at health care services sa lalawigan upang mas ma-accommodate ang mga nangangailangan.
Bahagi rin ng kanilang plano ang mas malapit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang mas matutukan ang mga isyu sa kalusugan.
Nagdala naman ng tuwa at liwanag sa publiko ang pagningning ng Kapitolyo sa pormal na pagsisimula ng “silew-silew” sa holiday season sa Pangasinan.










