Dagupan City – Binigyang-halaga ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at sa pagsugpo ng fake news.
Ayon kay Guico kritikal ang ginagampanang tungkulin ng media sapagkat sila ang pangunahing tagapagdala ng wasto at beripikadong impormasyon sa publiko.
Sa kasalukuyang panahon, aniya, laganap ang pagkalat ng fake news at mga content na nagmamanipula ng impormasyon na maaaring magdulot ng maling pananaw sa mamamayan.
Dagdag pa niya, kinakailangan ding makibahagi ang iba’t ibang platform upang masigurong tama at makabuluhan ang impormasyong naipapakalat sa publiko.
Samantala, umaasa ang gobernador na sa pamamagitan ng tamang impormasyon ay mas mauunawaan ng mamamayan ang mga proyekto na magreresulta sa mas maayos na paglago sa lalawigan.
Bilang halimbawa, inihalintulad ni Guico ang inaasam na pag-unlad ng Pangasinan sa Bonifacio Global City (BGC), na aniya’y patunay na hindi mapipigilan ang progreso kung may malinaw na direksyon at sapat na suporta mula sa publiko.










