Photo from FB User Arvin P Carandang tagged to PDRRMO Head Castro

                Siniguro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Batangas, na maayos na natutugunan ang kalagayan ngayon ng libu-libong inilikas na residente dahil sa pagbuga ng abo ng bulkang Taal kahapon ng hapon.

                 Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni PDRRMO Batangas head Lito Castro, bukod sa paglilikas, kanila ding kinokonsedera ang magiging kalagayan ng tinatayang nasa 8,000 mga evacuees sa mga pasilidad kung saan sila inilikas.

                Paliwanag pa ni Castro, dahil sa geography ng kanilang lugar, matagal na aniya silang nakapaglatag ng mga plano na maaaring gawin sakaling makapagtala muli ng aktibidad ang bulkan.     

--Ads--
Bahagi ng exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay PDRRMO Batangas head Lito Castro

                Matatandaan na magmula noong Marso 28, 2019 ay naobserbahan na ang “moderate to high level of seismic activity” ng Taal.

                Itinuturing ang Taal Volcano, bilang ‘second most active volcano’ sa Pilipinas at isang popular na pasyalan lalo na sa mga turista dahil sa natatangi nitong itsura at lokasyon bilang nagiisang aktibong bulkan sa boung mundo na nasa isang lawa sa isang isla. Huli itong nakapagtala ng ‘major eruption’ noong taong 1977 o 43 taon na ang nakararaan.