DAGUPAN CITY – Maraming iba’t ibang uri ng pananakit ng ulo at mayroon ding iba’t ibang dahilan sa mga ito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate karaniwang nagiging sanhi ng pananakit ng ulo ay problema sa muscle sa ulo, sa nerve at maging sa blood circulation.
Subalit nakadepende din ang mga ito sa tao, sa kanilang lifestyle at sa kapaligirang mayroon sila.
Mayroong tinatawag na primary and secondary headache kung saan ang primary, kabilang ang tension, migraine at cluster.
Habang ang secondary naman ay kabilang ang pananakit ng ulo na posibleng banta sa buhay gaya ng traumatic brain injury at vascular disorder.
Ang pamamahala sa nasabing sakit ay nakadepende rin sa uri ng sakit ng ulo na nararanasan ng isang tao. Minsan may mga pagsakit ng ulo na matindi at biglaan, gayundin ang pagkahilo na may kasamang lagnat kaya’t mainam na maipakonsulta ito agad.
Paaalala naman ni Dr. Glenn na mainam na magkaroon ng adjustment sa lifestyle at alamin ang trigger mechanism sa nararanasang sakit sa ulo.