Pinaghahandaan na ng Barangay Poblacion Oeste ang kanilang mga sementeryo sa kanilang nasasakupan sa nalalapit na undas.
Apektado ang ilang mga puntod o nitso sa sementeryo dahil sa ulan na dala ng bagyong Kristine sa nakalipas na araw kaya halos ang ilan sa mga ito ay nalubog sa baha lalo na ang mga daanan papasok sa mga ito.
Ayon kay Punong Barangay Mark Anthony Guttierez ng Brgy. Poblacion Oeste dito sa lungsod ng Dagupan dahil kakatapos ng bagyong Kristine ay maraming kalat sa harapan ng mga sementeryo kaya ito ang kanilang tinutukan.
Aniya na maaga pa lamang kanina ay dumako na siya dito sa Roman Catholic Cemetery at maging sa ilang sementeryo sa kanilang nasasakupan para imonitor ang kalinisan upang hindi nakakahiya sa mga bibisita ngayong araw hanggang sumapit ang November 1.
Dagdag nito na nasa 3 sementeryo ang sakop ng kanilanh barangay gaya ng Roman Catholic Cemetery, Independeinte Cemetery at Eternal Garden Cemetery.
Saad pa nito na pinakiusapan na niya ang mga magtitinda sa harapan ng mga sementeryo na palaging linisan ang kanilang pwesto para maging kaaya-aya ito sa mga dadagsa sa lugar.
Samantala, sa ngayon ay wala pa masyado nagpupunta sa mga sementeryo ngunit naglilinis na ang ilang mga sepulturero sa mga dadaanan ng mga taong pupunta pagsapit ng undas.