Nanawagan ngayon ng tulong ang pamilya ngnasawing menor de edad sa motorcycle explosion sa bayan ng Mapandan.

Matatandaang nitong Sabado ng gabi sa naganap na motor show, isang YAMAHA AEROX na walang plate number ang aksidenteng sumabog ang crank case cover nito na naging dahilan upang tumama ang mga debris na nagdulot ng injury sa biktima maging sa tatlo pang indibidwal na nadamay sa insidente.

Ang biktima, nagtamo malaking pinsala sa kaniyang tyan na nagresulta upang lumabas ang kaniyang bituka.

--Ads--

Ayon sa kapatid ng biktima na si Eric Moreno na hindi nito akalaing hindi na niya muling makikita pa ang kaniyang kapatid na pagkauwi nito galing trabaho.

Patuloy naman aniya ang kanilang pagdadalamhati sa biglaang pagkawala ng kanyang bunsong kapatid.

Tulala rin ang kanyang ina na halos hindi makaimik sa gulat at sakit ng pangyayari sa biglaang pagkawala nito.

Paglalarawan ni Eric, isang masunurin at mabuting bata ang kanyang kapatid na si Mark Anthony, palakaibigan at mapagmahal ring bata kung kayat sobra ang paghihinagpis ng pamilya sa sinapit ng kanilang bunso.

Ayon kay Eric ay nagpaalam ang biktima na siya ay pupunta sa naturang event ngunit hindi ito pinayagan. Sa kanilang pagkakaalam ay nasa labas lamang ito na malapit sa kanilang tahanan ngunit hindi nila alam na pumunta ito sa nasabing motor show.

TINIG NI ERIC MORENO

Hindi rin tukoy ng pamilya kung may mga kaibigan o kasama itong pumunta.

Sinubukang kausapin ng coordinator ang pamilya ngunit hindi muna sila nagdesisyon dahil hindi pa umano sila makapag isip dahil sa gulat sa pangyayari.

Hiling ni Eric na sana matulungan ang kanilang pamilya sa gastusin dahil kapos rin sila sa pera.