DAGUPAN CITY – Hustisya ang hiling ng pamilya ng mag-amang biktima ng pananaga sa Brgy Tebag West sa bayan ng Sta Barbara, Pangasinan.


Ayon sa kapatid ng biktima na si Amalia Paeste, masakit at hindi nila matanggap ang nangyari sa kanilang mga nasawing kamag-anak lalo pa at naging brutal ang pagkakapaslang sa mga biktimang sina Rolando at Rolly Paeste.


Aniya, hindi umano nito maatim na natanggalan pa ng ulo ang kanyang pinsan at sa ngayon ay hinahanap pa rin nila ang nawawalang tainga ng kanyang pamangkin.

--Ads--


Saad pa ni Paeste, nasaksihan umano niya na bago mangyari ang insidente nagtatalo umano ang kapatid ng suspek at ang isang biktima matapos ireklamo nito ang pagdumi ng batang anak ng biktima sa gilid ng bahay dahil kapag humangin umano ay nalalanghap daw nila ang amoy nito sa kanilang bahay.


Matatandaang magkakaanak din ang mga biktima at suspek .

Samantala, nilinaw naman ng suspek na si Arturo Dela Cruz na hindi ito nakainom nang nagawa nito ang naturang krimen.

Inilahad nito na galit ang nag-udyok sa kanya upang pagtatagain ang mag-amang biktima nang maalala ang ginawang pang-aaway ng biktima sa kanyang kapatid.


Dagdag nito, papanagutan niya ang naturang krimen kaya ito sumuko sa otoridad.