BOMBO DAGUPAN – Itinanghal si Ahtisa Manalo ng Pilipinas ang nanalo ng “The First Station” award sa Miss Cosmo 2024.

Ito rin ang tinatawag na Cosmo People’s Choice ng pageant.

Ito ay matapos inanunsiyo ng Miss Cosmo Organization na si Ahtisa ang nanalo sa botohan mula sa limang pinagpiliang mga kandidata kabilang ang Philippines, Colombia, Vietnam, Cambodia, at Indeonesia.

--Ads--

Maraming perks ang ipagkakaloob kay Ahtisa bilang winner ng People’s Choice Award, kabilang na ang sigurado na niyang pagpuwesto sa Top 10 sa finals.

Nagpasalamat naman si Ahtisa sa kanyang mga kababayan sa pagpapakita ng suporta sa kanya.