DAGUPAN, CITY— Kinoronahan bilang Miss Philippines Tourism Worldwide 2022 ang pambato ng lalawigan ng Pangasinan sa ginanap na grand Coronation Night ng 2021 Miss Queen of Hearts Philippines na ginanap sa Tagaytay City.

Ang naturang Pangasinense beauty ay si Kathie Lee Berco mula sa lungsod ng Alaminos na kasalukuyang kumukuha ng kursong Political Science sa isang unibersidad sa Maynila.

Si Berco ay kabilang sa sampung finalist na nagharap sa coronation night kung saan ay nakuha niya ang nasabing titulo.

--Ads--

Maliban rito, siya ay nakatakdang magrerepresenta ng Pilipinas sa susunod na edisyon ng Miss Global Universe pageant na possibleng ganapin sa Singapore o sa Malaysia.