Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang pamamaril at pagpatay ng riding in tandem sa isang punong barangay sa kahabaan ng Don Jaramillo St., barangay Talogtog sa bayan ng Laoac, Pangasinan.

Nangyari ang pamamaril ng riding in tandem sa kahabaan ng Don Jaramillo St, barangay Talogtog sa nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si Elise Eslao, 54 anyos may asawa at residente sa nasabing lugat.

Ayon sa initial na imbestigasyon, nakasakay ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak na si Mark Laurence Eslao, 15 anyos nang sinundan sila ng riding in tandem, at pagkalapit sa kanila ay tatlong beses na binaril ang biktima.

--Ads--

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad ding dinala ang biktima sa Urdaneta Sacred Heart pero ideneklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Wala namang tinamong sugat sa katawan ang kanyang anak.

Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo ng insidente at nagsasagawa na rin ng follow up operation ang kapulisan para matunton ang mga suspek.