Hindi umano inaasahan ang pamamaril ng dalawang armadong lalaki sa mga sibilyan sa Bondi Beach, Australia na ikinasawi ng 15 katao at pagkasugat ng iba pa.

Ayon kay Denmark Suede, Bombo International News Correspondent sa Australia, sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, nataon na selebrasyon ng Hanukkah festival ng mga Jewish community nang mangyari ang insidente kaya ang buong akala ng mga jews ay fireworks.

Ang mag amang suspek ay biglang namaril sa mga tao na hindi nila inaasahan.

--Ads--

Makikita rin umano sa footage na mayroong bystander na nakaagaw ng baril kaya napigilan ang posibleng pamamaril pa.

Sinabi ni Suede na huling pamamaril ay naitala noong 1996 na ikinasawi ng 35 katao.

Naging mahigpit na ipinagbabawal doon ang pagdadala ng baril simula noon at sa pananatili ni Suede sa Australia ay wala pa umano siyang nasaksihang tinamaan ng baril.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Australian Federal Police.