Naka alerto ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa kaso ng Monkeypox (Mpox) matapos na makapagtala ng unang kaso sa lungsod ng Baguio.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, may sinusunod na standard health protocols ang probinsya pagdating sa anumang sakit.

Aniya, parating nakaalerto ang mga personnel ng probinsya at handang ipatupad ang nasabing protocol kung kinakailangan.

--Ads--

Paalala na lamang nito sa publiko upang maiwasan ang pagkakaroon o pagkalat ng MPOX ay ang pagsusuot ng facemask, siguruhing mayroong maayos na airflow, paghuhugas ng kamay, at panatilihin ang physical distance.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso dito sa lalawigan.

Matatandaan na naitala sa lungsod ng Baguio ang unang kaso ng Mpox ngunit ito ay gumaling na rin noong Enero 17 ng taong kasalukuyan..

Ilan sa sintomas ng Mpox ay ang pagkakaroon ng pamamaga ng lymph nodes, lagnat, at pagkakaroon ng rashes sa katawan.