Dapat maging responsable ang pamahalaang Marcos sa usapin ng di umanoy panghihimasok ng China sa elections ng Pilipinas.
ito ang pahayag Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa ibinunyag ni National Security Council ADG Jonathan Malaya sa Senate hearing ng Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zone na may mga indikasyon na nakikialam ang China sa nalalapit na halalan.
Giit ni Yusingco na dapat magpakita ng sapat na ibidensya sa korte.
Hindi pa naman aniya sigurado ang napaulat na panghihimasok ng ibang bansa at indikasyon lamang kaya maging kalma lang.
Ngunit kung totoo man ang sinasabing panghihimasok ng mga dayuhan sa halalan sa bansa ay maituturing na umanong
act of war o isang uri ng pakikipag giyera sa bansa.
Kung mangyari man ay marapat na agad nang kumilos ang gobyerno.