Kumpiyansa ang pamahalaan na magiging maayos at ligtas ang magiging mga pagpupulong para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong taon na siyang nakatakdang i-host ng Pilipinas.
Sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo Philippines kay Executive Secretary Ralph Recto, sinabi nito na palaging tumatalima ang mga katuwang na ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. partikular na ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Philippine National Police (PNP) para matiyak na magiging ligtas ang pagdating ng mga dignitaries mula sa iba’t ibang mga bansa.
Inaasahan kasi na isasagawa sa bansa ang halos 650 na pagpupulong ngayong taon na siyang malaking hamon para sa pamahalaan.
Sa kabila nito nananatili naman aniyang may kooperasayon at koordinasyon ang mga ahensya ng pamahalaan para masiguro na magiging maayos ang lahat ng event na may kaugnayan sa Summit.










