DAGUPAN CITY- Dapat na pagtuunan ng pansin ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Education at (DepEd) at Department of Energy, at tingnan kung paano pa ito mapapalakas upang magamit ito sa mga advanced works.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wilson Chua, Managing Director at Co-founder ng BITSTOP Inc., panahon na para tanggapin ng bansa ang mabilis na pag-usad ng teknolohiya, lalo na sa larangan ng artificial intelligence (AI).

Aniya, suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang layuning maging kompetitibo ang Pilipinas sa AI.

--Ads--

Mayroon na umanong sapat na hardware, ngunit kulang pa sa software at kaalaman ang bansa upang makaagapay.

Mahalagang pagbutihin rin ang mga institusyong tulad ng Department of Education (DepEd) upang masanay ang mga Pilipino sa makabagong teknolohiya.

Bagamat tumaas ang budget sa edukasyon, kapansin-pansin ang kakulangan sa resulta.

Dahil dito, dapat na balikan ang paggamit ng output matrix para masukat ang tunay na progreso sa edukasyon at iba pang ahensya ng gobyerno.