BOMBO DAGUPAN – Iminungkahi ni Dr. Westly Rosario, Chairman ng Board of Fisheries, Professional Regulation Commission na marapat na may ginagawa ang gobyerno para mapabuti ang industriya ng bangus sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Rosario na ang lalawigan ng Pangasinan ay isa sa pinakamalaking producer ng bangus.
Saad nito na upang maging pangmatagalan ang magandang supply ng bangus ay dapat palabasin at papuntahin sa field ang mga technical people at imbestigahan ang kalidad ng tubig nang malaman kung ano ang puwedeng gawing hakbang para matugunan ang problema ng mga bangus grower.
Mahalaga aniya na sila mismo ang makakakita sa tunay na kalidad ng tubig.
Nauna rito ay inihayag ng ilang bangus poducers na humaharap ngayon sa krisis ang bangus industry.
Bagamat sa kasalukuyan, aniya, ay masigla pa naman ang industriya ng pagbabangus dahil sila ay nakapagha-harvest naman, lubhang nangangailangan sila ng tulong sa pamahaalan upang hindi tuluyang bumagsak ang industriyang ito.