Maaaring may nagawang paglabag si Vice President Sara Duterte sa Republic Act no. 11479 o ang Anti-Terrorism Law dahil sa kaniyang pahayag laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Andres, gustong bigyan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bise presidente ng pagkakataon na ipaliwanag nito ang kaniyang sarili kaya kanilang pinadalhan ito ng subpoena.
Gayunpaman, ikinabahala nilang hindi lamang nasa isip ng bise presidente ang pagbabanta laban kanila Pangulong Marcos Jr, First Lady Lisa Araneta-Marcos, at kay House Speaker Martin Romualdez, kundi nagkaroon na rin ito ng aksyon.
Idiniin ni Andres na sa Section 4 ng naturang batas ay klarong nakasaad na isa nang terorismo ang pagkakaroon ng hakbang para bigyan ng banta ang buhay ng ibang tao.
At mas mapapabigat pa ito kung nakadirekta sa presidente ang pagtatangkang ito.
Samantala, nakatakda naman humarap si Vice President Sara Duterte sa NBI sa araw ng biyernes, Nobyembre 29.
Tiniyak naman ng DOJ at NBI si Duterte na masusunod ang tamang proseso.