DAGUPAN CITY- Sa likod ng mga datos ng mga pagbaba ng mga unemployed sa bansa ay mahalagag tiyakin ng gobyerno ang maayos na pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Elmer Labog, Chairperson ng Kilusang Mayo Uno, batay sa June 2024, may 16% na mga pamilyang Pilipino na nagsasabi na sila ay mahirap.
Aniya, 65% na mga manggagawa ang nagtatrabaho ng 48 oras kada linggo para lamang magkaroon ng episyenteng kita.
Kaya dapat matiyak ang pagdami ng mga trabahong hindi lamang seasonal.
Giit naman ni Labog na hindi pa nararamdaman ang mga investment ng gobyerno sa ibang bansa upang makapaglikha ng trabaho.
At sa ngayon ay malayo pa sa 2.2 million employed target ang naabot ng bansa dahil nasa 1-million pa lamang ang bilang.
Bagaman informal at temporary rin ang mga ito, kinekwestyon din nila ang kalidad ng employment.
Lumaki lamang ang mga underemployement at hindi pa rin episyente ang mga kinikita ng mga manggagawa.
Sa kabilang dako, hindi rin pabor si Labog sa pagtaas ng 15% ng Social Security System (SSS) contributions ng mga miyembrong manggagawa.
Dapat aniyang ituon ng SSS ay ang pagtiyak na makolekta ang mga SSS payments imbis na magdagdag pa ng bayarin ng mga manggagawa.
Batay kase sa Commission On Audit (COA) Annual report noong 2023, 4.89% lamang ang nakolektang collectibles sa kabuoang 93.747-billion.
At sa 2024, may panawagang 1,200 delinquent employers na naapektuhan sa 19,000 employees ang hindi binayaran noong nakaraang Abril kung saan may halaga P355-million.