BOMBO DAGUPAN – “Mainam parin na tayo ay magconserve ng pagkonsumo sa kuryente.”

Yan ang binigyang diin ni Atty. Randy Castilan Legal Officer ng DECORP kaugnay sa suplay ng kuryente dito sa lungsod.

Aniya na bagamat ay naranasan ang kakulangan ng suplay lalo na noong buwan ng Mayo at Hunyo bunsod ng matinding init ng panahon.
Kung saan ang mga kalimitang planta ng kuryente ay nagigipit gaya na lamang ng hydro-power plant na limitado lamang ang kontribusyon sa kabuuang suplay. Sa kabilang banda ang mga solar power plants naman ay sa umaga lamang nagagamit at ang mga conventional power plants na lamang ang naiiwan kapag gabi.

--Ads--

Dagdag pa niya na nagkulang ang suplay sa mga nasabing buwan dahil sa taas ng demand ay hindi ito kinaya kaya’t sumailalim sa yellow at red alert status ang ilang mga lugar.

Kaugnay naman sa mga suplay na nabili ay hidni muna ito minsanang sinisingil sa mga consumer bagkus ay sinisingil ito na parang installments.

Noong buwan ng hunyo ay nagkaroon lamang ng karagdagang P4.40 na ibinawas, noong hulyo P0.67 gayundin ngayong buwan ng Agosto maging hanggang buwan ng Setyembre.

Nagpaalala naman ito na bagamat ay may sapat naman suplay subalit may posibilidad parin na mag-outage ang mga planta kaya’t mainam parin na magconserve ng pagkonsumo upang makatulong sa sustainability at stability ng suplay.