Dagupan City – Matagumpay na naalis ang mga campaign materials na nakapaskil sa ilang lugar sa bayan ng San Nicolas na ginamit sa nagdaang halalan.
Pinangunahan ito ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa bayan katuwang ang ilang mga opisyal ng barangay, at mga mamamayan.
Umabot sa mahigit 600 kilo ang mga nakolekta dito kung saan 433 kilo sa mga tarpaulin at 183 kilo naman sa iba pang recyclable materials.
Ang mga nakalap na materyales ay muling magagamit ng mga residente kaya ibinigay sa kanila dahil isang patunay ito ng pagpapahalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng muling paggamit nito.
Pinuri ng MENRO ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan sa bayan.
Ipinahayag din nila ang kanilang patuloy na pagsusumikap sa pagprotekta at pangangalaga sa kalikasan.
Ang tagumpay na ito ay isang testamento sa kooperasyon at pagkakaisa ng mga residente ng San Nicolas para sa isang mas malinis at mas magandang komunidad.