Dagupan City – Nagresulta sa pananaksak ang naging pagtatalo ng dalawang indibidwal na naglalaro ng sugal na Lucky 9 sa bayan ng Binalonan
Nangyari ito pasado alas dyes ng gabi noonh nakaraang araw sa Brgy. Cili sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang ang biktima at suspek habang nasa laro, na siyang humantong sa suntukan.
--Ads--
Sa kasamaang palad, kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa kanyang likod.
Matapos nito, agad na isinugod ang biktima sa malapit na pagamutan para sa agarang paggamot.
Samantala, nakatakas naman ang suspek pagkatapos ng krimen ngunit matapos ang follow-up operasyon ng mga rumesponding pulis, natagpuan at naaresto din ang suspek.










