BOMBO DAGUPAN- Maganda umanong oportunidad ang maipapasok ng Economic Provision sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Orion Perez Dumdum, Lead Convenor/Principal Co-founder of the correct movement, pagdating kase sa local government units ay marami ang sumusuporta sa Charter Change.

Gusto kase ng local executives na dumami ang mga trabaho sa kanilang mga nasasakupan.

--Ads--

Mas dadami kase ang mga trabaho sa kanilang lugar kung mapaparami ang mga kumpanya sa pamamagitan ng pagtanggal sa restrictions sa pagpasok ng foreign investors.

Maliban sa karagdagang trabaho, papasok din sa bansa ang mga episyenteng makabagong teknolohiya na makakatulong sa Pilipinas, partikular na sa mga utilities.

Magiging maganda din na ehemplo kase sa bansa ang pagkakaroon ng comparison and competition sa iba’t ibang kumpanya para mapabuti ang serbisyo.

Maliban diyan, dadami din ang oportunidad sa magandang training ang mga estudyante sa iba’t ibang kumpanya na kanilang papasukin sa kanilang practicum.

Nakasaad din kase sa RBH 6 at 7 ang pagpapapasok ng mga foreign educational institutions sa bansa at magtayo ng kani-kanilang branches.

Samantala, kinakailangan lamang ng 3/4 o 18 votes mula sa mga senador upang maipatupad ang Charter Change.