Inaasahan na ang pagtaas ng presyo ng ilang mga bilihin ngayon dahil sa nararanasang pag ulan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG at founding chairman ng Abono Partylist, sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan partikular na naapektuhan ang mga gulay dahil sa mga pag ulan ay kailangan ipatuyo pa sa araw.

Sa galaw naman ng karne, bagamat bumaba ang presyo nito sa mga nagdaang mga buwan, posibeng tumaas ang presyo nito dahil sa pagmahal ng feeds.

--Ads--

Nagmahal aniya ang soya, darak gayundin ng mais kaya otomatikong tataas din ang presyo ng karne.

Pinakaapektado umano ang mga magsasaka na nagtanim ng mais dahil tumaas ang fertilizer o pataba kaya ang mangyayari ay papatungan naman nila ang kanilang puhunan upang hindi sila malulugi.

Ang resulta nito papatungan din ng mga hog raisers ang presyo ng mga kanilang mga alaga kapag ito ay ibebenta sa merkado.

Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG

Ang nakikitang solusyon dito ni So ay dapat magkaloob ang gobyerno ng subsidy para sa mga pataba para matulongan ang mga magsasaka sa lalawigan at sa ibang lugar sa bansa.