DAGUPAN CITY- Matagal nang adbokasiya ng United Nations ang pagpapahalaga sa tubig partikular na sa fresh water.

Ayon kay Marge Navata, Spokesperson ng PAMANA Water-Dagupan City, pagbibigay ng awareness o kamalayan sa kinakaharap na global water crisis sa buong mundo ang layunin ng pagseselebra ng World Water Day.

Aniya, “Water For Peace” ang napagkasunduang tema para sa taong ito sapagkat nagdudulot ng tensyon tuwing nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig sa isang lugar.

--Ads--

Dagdag pa niya, nagiging sanhi din ng mabagal na progreso ng isang bansa ang kakulangan sa suplay ng tubig.

Idineklara naman ng United Nations na tuwing ika-22 ng Marso ang pagseselebra nito upang mabigyan ng pagkilala ang mga bansang humaharap sa water shortage, kabilang na ang Africa.