DAGUPAN CITY- Muling sisimulan ng Ban Toxic ang mga programang pagsasaayos o pangangasiwa sa mga medical wastes partikular sa tatlong Pilot Hospitals bilang pagsunod sa selebrasyon ng Zero Waste Month ngayon Enero.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, Campaigner ng nasabing grupo, isasagawa ito sa Enero 17 sa Metro Manila, Region 8, at Region 2.
Aniya, bilang muna ang kanilang sasakupin na ospital dahil tutukuyin muna nila ang swak na plano bago ireplika ang nasabing programa.
Nauna na itong itinakda noong panahon ng pandemya subalit naging maliit lamang ang kanilang maaaring isagawang kilos.
Ani Dizon, malaki ang epekto ng medical waste sa mga tao dahil karamihan sa mga ito ay ‘hazardous’ o mapanganib, katulad ng disposable syringes.
Kaya ngayong buwan na ito, binibigyan nila ito ng kahalagahan para pangasiwaan.
Sa kabilang dako, mahalaga aniyang unti-unting pinagtutuonan ng mga Local Government Units ang problema sa single-use plastics.
Simula nang magkapademya ay tumaas ang bilang ng mga kalat dahil sa nasabing klase ng plastics.
Gayunpaman, malayo ang dapat abutin ng bansa para tuluyan mapigilan ang mga plastics dahil nagiging alternatibo nito ang mga wari sa papel.
Mas mainam kase aniya kung ang maging kapalit nito ay ang mga eco-friendly materials.
Marami rin na mga ordinansa na kailangan pang rebyuhin mabuti para maging matagumpay ang pagpapatupad nito.