BOMBO DAGUPANPinaghihigpit ng Land Transportation Office ang pagsakay ng mga bata sa harapan ng motorsiklo.

Ayon kay Evangeline Agbunag, Officer in Charge ng Land Transportation Office Center- San Juan La Union, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsakay ng mga bata sa motorsiklo na nasa edad na 18 pababa.

Nagpaalala din ang naturang opisina na dapat ay iisa lamang ang nakasakay na back rider ng bawat motorsiklo.

--Ads--

Kaunay nito, dapat nakasuot ang mga ito ng protective gears, katulad ng helmet, at nakayakap o nakakapit sa nagmamaneho.

Ani ni Agbunag, may kaukulang kaparusahan ang kanilang mahuhuling lumabag nito dahil delekado ito sa kakalsadahan.

Samantala, nag paalala naman si Agbunag na maging matalino pagdating sa pagmamaneho at sa kalsada.

Karamihan kase aniya sa mga motorista ay walang kaalam-alam sa batas trapiko kaya nagkakaroon ng mga aksidente.

Kaya pinapaigting ng kanilang opisina ang pagbibigay ng kaalaman sa road safety partikular na sa mga estudyante pa lamang.

Sa kabilang dako, para naman makakuha ng student permit, kailangan sumailalim muna sa 15 Hour Theoretical Driving Course ang isang indibidwal.

Ayon kay Agbunag, nakukuha lamang ito sa mga LTO Accredited Driving School. Aniya, ito ay may halagang P1,000.

Gayunpaman, nagsasagawa ngayon ng programa ang LTO Region 1 kaugnay sa nasabing kurso. Alinsunod ito sa Nationwide Program ng LTO kung saan layunin nilang magkaroon ng 1-million beneficiaries.