Nakatakda sanang magsagawa ng strike ang nasa 470 miyembro ng Association of Concerned Clark Development Corporation Employees hinggil sa bumungad sa kanilang bawas sweldo ngunit pinigilan ito ni Department of Labor and Employment Sec. Bienvenido Laguesma.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Virginia Lacsa Suarez, ang siyang Secretary General at Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya, naglalaro sa humigit-kumulang ₱5,000 ang nabawas sa buwanang sahod ng higit 600 na empleyado dahil sa pagpapatupad ng Compensation and Position Classification System (CPCS) mula sa Governance Commission on GOCCs (GCG).
Bukod pa rito, tinanggalan din sila ng hospitalization benefit at naisin man ng mga itong magretiro, tinanggalan din sila maging ng retirement benefit.
Ito ang nagtulak sa mga unyon ng mga manggagawa upang magfile ng notice of strike ngunit naudlot dahil sa paglalabas umano ni Sec. Laguesma ng Assumpition of Jurisdiction na hindi naman paborable sa mga ito.
Sa gitna ng krisis at pagtaas ng presyo ng bilihin, ang ganitong aksyon umano mula mismo sa korporasyon ng gobyerno ay hindi makatao para sa mga manggagawang kakarampot lamang ang sweldo, ayon kay Atty. Suarez.
Saad umano ng GCG na ang maaari lamang magbalik ng mga natanggal na benepisyo ay ang Pangulong F
erdinand Marcos Jr. gawa ng nasa ilalim ito ng opisina ng Pangulo.
Iaapela raw ito ni Atty. Suarez sa pangulo upang resolbahin ang problema ng mga empleyadong apektado ng naturang salary scheme.