Inirekomenda ng Provincial Agriculture Office-Pangasinan na magsagawa na ng cloud seeding sa reservoir ng San Roque Dam sa bayan ng San Manuel, Pangasinan.

Ito ay kasunod na rin ng pangangailangan ng karagdagang tubig ulan dahil na rin sa mababang lebel ng tubig sa nasabing dam.

Ayon kay Assistant Pangasinan Provincial Agriculturist Nestor Batalla, kinakailangan na umanong sumulat ng gobernador ng lalawigan sa Department of Agriiculture (DA) upang i-request ang nasabing hakbang upang matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig sa San Roque Dam.

--Ads--
Assistant Pangasinan Provincial Agriculturist Nestor Batalla

Kung maaprobahan ay tutugon umano ang Bureau of Soils and Water Management ng DA at nang Philippine Airforce upang isagawa ang cloud seeding na siya naman tatapat sa mismong dam.

Ibinahagi din ni Batalla, nang maglibot ang kanilang mga tanggapan sa ilang mga sakahan sa probinsya, mapapansin na may ilan nang mga panananim ang nalalanta dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig lalo na sa bahagi ng Central Pangasinan.

Matatandaang sumagad na ang lebel ng naturang dam sa 225.4 meters above sea level na mas mababa sa normal level ng tubig sa nasabing dam.